Gastos ng pamahalaan kontra COVID-19, umabot na sa P374.89-B

by Erika Endraca | July 9, 2020 (Thursday) | 1903

METRO MANILA – Umabot na sa P374.89-B ang nagastos ng gobyerno sa pagresponde kontra COVID-19.

Malaking bahagi nito ginamit upang palakasin ang kapasidad ng health sector, at bigyan ng ayuda ang pinaka-apektadong mga mamamayan ng coronavirus lockdown.

Tiniyak naman ng Budget Department na may sapat pang pondo ang pamahalaan upang tustusan ang mga pangangailangan sa pagresponde kontra pandemic.

“Mayroon pong sapat na pondo ang ating pamahalaan upang tugunan at labanan ang patuloy na pananalasa ng covid-19 pandemic po sa ating bansa”  ani Department Of Budget and Management Sec. Wendel Avisado

Samantala, nasa 5.28-B  US dollars naman na halaga ng budgetary financing support ang nakalap ng pamahalaan mula sa mga development partners bukod pa sa 126.36-M US dollars na halaga ng financing para sa COVID-19 response projects ng pamahalaan.

Muling iginiit ng Duterte cabinet members na kinakailangan nang mabuksan ang ekonomiya sa metro manila at Calabarzon region upang kahit papaano ay maka-recover ang ekonomiya ng bansa dahil 67% ng ekonomiya ng bansa, nakadepende sa dalawang rehiyong ito.

Gayunman, malaki ang bahagi ng mga mamamayan sa pagsunod sa minimum health standards upang mapigilan ang pagkalat ng virus.

“It is vital that the economies of these regions reopen. The reality is this virus won’t go away until a vaccine is found. In the meantime, we have to go back to work, while staying safe. ” ani Department Of Budget and Management Sec. Wendel Avisado

“Each and every Filipino needs to be very vigilant, we should all continue observing social distancing, and other public health measures such as wearing of masks, and frequent washing of hands to protect each other’s health and well-being. We must act responsibly ” ani Executive Secretary Sec. Salvador Medialdea.

(Rosalie Coz | UNTV News)

Tags: