Gagampanang tungkulin ng Kongreso May 9 elections pinaghahandaan na

by Radyo La Verdad | April 27, 2016 (Wednesday) | 1743

SMARTATIC
Labing dalawang araw bago ang halalan ay naghahandana ang mga kawani ng Senado sa kanilang magiging tungkulin sa canvassing ng mga boto sa pangulo at pangalawang pangulo.

Pinangunahan ng COMELEC at Smartmatic Philippines ang seminar at briefing sa mga opisyal at empleyado ng Senado.

Ayon kay Senate Secretary Oscar Yabes, may constitutional duty ang kongreso tuwing halalan.

Nakasaad sa Article 7 section 4 ng saligang batas, ang returns ng bawat election sa presidente at bise presidente na sinertipikahan ng mga board of canvassers mula sa mga probinsya at lungsod ay dadalhin sa Kongreso at ibibigay sa Senate President.

Matapos na matanggapang certificate of canvass, bubuksan ito ng Senate President na hindi lalampas sa loob ng tatlumpong araw matapos ang araw ng halalan.

Isasagawa ito sa harap ng Senate at House of Representatives sa pamamgitan ng isang joint public session.

Ayon kay Secretary Yabes, dahil sa constitutional mandate ng Kongreso kaya kailangan nilang maghanda lalo na sa tinatawag na electronic transmittal ng election returns at certificate of canvass.

Ayon sa kalihim sapat ang bilang ng kanilang mga reception team at information technology o IT people upang bantayan ang electronic transmittal.

Nilinaw ni Yabes na ang Senado ay nakahandang tumanggap ng COC at ER’s sandaling magsara ang mga presinto matapos ang eleksyon ng alas singko ng hapon sa May 9.

Tatanggapin nila ang mga ballot box na naglalaman ng mga COC mula sa iba’t ibang canvassing boards gaya ng sa overseas absentee voting at iba pang probinsya.

Tiniyak naman ng Senado na tatanggap ng kaukulang honorarium o allowance ang mga kawani nito.

Layunin rin ng briefing kahapon ng COMELEC at Smartmatic sa mga kawani at opisyal ng Senado na mapanatili ang kalidad at mabantayang maigi ang consolidation at canvassing system ng eleksyon.

(Bryan de Paz/UNTV NEWS)

Tags: ,