Upang maipaalam sa mga miyembro ng gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kinakaharap na suliranin ng bansa hinggil sa iligal na droga, isang lecture ang inorganisa sa Malacañang.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, hindi lahat ng cabinet members ay nakadalo sa unang national security meeting ng Malacañang.
Batay sa advisory ng Malacañang, ang lecture ay tungkol sa illegal drugs at lawless violence bilang national security problem.
Bukod sa military lecturer, nagbigay din ng kaniyang input si Pangulong Duterte.
Ayon sa Malacañang, nais din ni Pangulong Duterte na maipaliwanag sa kaniyang gabinete ang dahilan ng kaniyang madalas na pagtatalaga ng mga dating tauhan ng militar sa pamahalaan.
Subalit hindi aniya ito nangangahulugan na may duda ang mga miyembro ng gabinete sa sistema ng appointment ng punong ehekutibo.
( Rosalie Coz / UNTV Correspondent )