FVR, planong ipadala ni Pangulong Duterte sa China upang makipag-usap kasunod ng arbitral ruling

by Radyo La Verdad | July 15, 2016 (Friday) | 1273

FVR
Plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na isugo si former President Fidel V. Ramos upang magsilbing special envoy ng Pilipinas sa China.

Kasunod ito ng ruling ng Arbitral Tribunal sa West Philippine Sea dispute case na isinampa ng pamahalaan.

Ayon sa pangulo, nais niyang ipadala sa China si Ramos upang masimulan na ang pag-uusap.

Di naman nito tinukoy ni President Duterte kung anong uri ng pakikipag-usap ang gagawin sa China.

Ginawa ng pangulo ang pahayag sa isang pribadong pagtitipon sa Club Filipino sa San Juan City kagabi na kapwa nila dinaluhan ni FVR.

Wala pa namang sagot si dating Pangulong Ramos kung tatanggapin o hindi ang alok ng pangulo.

(UNTV RADIO)

Tags: , ,