Full in-person graduation rites sa basic education, pinayagan na ng DepEd

by Radyo La Verdad | April 3, 2023 (Monday) | 883

METRO MANILA – Muling inamyendahan ng Department of Education (DepEd) ang guidelines ng end-of-school year rites para sa K to 12 basic education.

Kung dati hybrid o magkahalong online at physical graduation ang isinasagawa  dahil nga sa banta ng hawaan ng COVID-19 noong nakalipas na taon, ngayon papayagan na ng kagawaran ang full in-person  graduation rites.

Hindi na rin mandatory ang pagkakaroon ng physical distancing gayundin hindi na required ang pagsusuot ng facemask habang isinasagawa ang seremonya.

Paalala naman ng DepEd sa mga paaralan, gawing simple at makabuluhan ang pagsasagawa ng graduation rites.