Full implementation ng K-12 simula na

by Radyo La Verdad | June 13, 2016 (Monday) | 2155

STUDENTS
Nakahanda ang Department of Education o DepEd sa muling pagbabalik eskwela ng tinatayang nasa dalawamput limang milyong estudyante ngayong araw.

Maituturing anilang “historic ang taong ito, dahil sa pagpasok ng unang batch ng senior high school sa ilalim ng full implementation ng k-to-12 program sa bansa.

Tiniyak naman ng DepEd na may sapat silang mga guro at pasilidad upang ma-accommodate ang incoming one-point-five million na grade 11 students.

Kaugnay nito’y maaari pa rin na magdulog ng mga katanungan at reklamo sa DepEd Command Center sa Pasig hanggang sa ika-labingwalo ng Hunyo.

Bukas ito mula alas sais ng umaga hanggang alas sais ng gabi, tumawag lamang sa mga numerong 636-1663, 632-1361, 633-9346
633-7255, 638-7529, 635-9817, 632-1365 at 633-2120.

(UNTV RADIO)

Tags: ,