Full implementation ng K-12 program, prayoridad ng bagong education secretary

by Radyo La Verdad | June 6, 2016 (Monday) | 4382

GRACE_BRIONES
Tututukan ng papasok na administrasyon ang full implementation ng K-12 program sa pagsisimula ng pasukan ngayong taon.

Ayon kay incoming Education Sec. Leonor Briones, hindi na mapipigilan ang pagpapatupad nito ngayong June 13 kaya ang tanging magagawa niya ay hanapan na lamang ng solusyon ang mga lalabas na problema sa unang taon ng implementasyon nito.

Naniniwala si Prof. Briones na malaki ang maitutulong ng K-12 program upang mai-angat ang kalidad ng edukasyon sa bansa.

Nais nito na bigyang halaga ang Alternative Learning System para sa mga libo-libong kabataan na hindi nakakapasok sa paaralan.

Kasama rin sa plano ni Briones ang ipanukala na dagdagan pa ang inilaang pondo para sa education department upang matugunan ang kakulangan sa mga school buildings, classroom at text books.

Mahipit din ang direktiba ni incoming President Rodrigo Duterte na huwag pabayaan ang mga guro na sinasabing mawawalan ng trabaho dahil 2 taong mawawalang ng estudyante sa 1st and 2nd year college.

(Grace Casin / UNTV Correspondent)

Tags: , ,