Full implementation ng Free College Law, kailangan pa ring mabatanyang mabuti – Sen. Gatchalian

by Radyo La Verdad | November 10, 2017 (Friday) | 2128

Tiniyak ni Senator Sherwin Gatchalian na patuloy nilang babatanyan ang pagpapatupad ng Free College Law dahil sa posibilidad na hindi ito masunod ng ilang state colleges at  universities.

Sa gitna ito ng malaking hamon kung saan huhugutin ang mahigit 50 billion pesos na budget para sa alokasyon sa pagpapatupad ng buong programa na ito.

Sa panayam ng programang Get it Straight with Daniel Razon sa senador, sinabi nito na kailangang mapalakas ang oversight power ng senado upang matiyak na naipapatupad ng maayos ang mga mahahalagang batas.

Inaasahang sa taong 2018 ay mararamdaman na aniya ng nasa dalawang milyong estudyante ang full implementation ng libreng matrikula sa mga state universities at colleges.

Pag-aaralan rin ng senador ang panukalang pagpapalawig ng scholarship program na ipinagkakalaoob ng mga pribadong eskwelahan.

Samantala, suportado ng senador ang panukalang mas higpitan ang pagbabantay sa mga fraternity group sa mga eskwelahan. Gayundin din ang pagkakaroon ng pananagutan ng mga eskewelahan at mga taong tumutulong upang mapagtakpan ang mga krimen na dulot ng hazing.

Isasama na rin aniya nila sa panukala na dapat mabantayan ang mga community based na fraternity groups.

Posibleng sa pagbabalik sesyon ng senado sa susunod na linggo ay mailabas na ang committee report sa nangyaring imbestigasyon sa pagkasawi ng hazing victim na si Horacio Atio Castillo III. Kasabay ng mga panukalang amiyenda sa anti-hazing law.

 

( Nel Maribojoc / UNTV Correspondent )

Tags: , ,