METRO MANILA – Hinihintay na lang ng Department of Transportation (DOTr) ang irerelease na pondo ng Department of Budget and Management (DBM) para masimulan na ang distribusyon ng fuel subsidy.
Ayon sa DOTr, nasa P2.95-B ang ilalaang pondo kung saan aabot ng nasa 1.6-M na mga Public Utility Vehicle (PUV) drivers ang makikinabang.
Kasama na dito ang nasa 280,000 na mga PUV drivers, 930,000 na tricycle drivers at 150,000 delivery riders.
Makatatanggap ng P10,000 na one time cash assistance ang mga modern jeep at modern UV Express.
Habang P6,500 naman sa iba pang uri ng mga pampublikong transportasyon.
P1,000 sa mga tricycle drivers, habang P1,200 naman sa mga delivery rider.
Fuel subsidy ang ayudang ibinibigay ng pamahalaan sa mga PUV driver at operators upang tulungan ang mga ito sa tuwing nagkakaroon ng serye ng oil price hike.
Tags: DOTr, Fuel Subsidy, PUV