Simula kahapon hanggang ngayong araw ay mayroong libreng sakay sa Point-to-Point buses ng Froelich Tours Incorporated.
Ito ay upang patuloy na mabigyan ng serbisyo ang kanilang mga pasahero na maapektuhan ng temporary suspension na ipinataw ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB.
Noong nakaraang linggo, pansamantalang sinuspinde ng ahensya ang operasyon ng P2P buses na byaheng SM North, Trinoma, Eton Centris, SM Megamall at Glorietta 5, matapos na mag-expire ang provisional authority ng kumpanya.
Pinagsusumite muna ito ng proof of payment ng kanilang 2015 income tax.
Nanawagan naman ng pang-unawa ang LTFRB sa publiko at sinabing agad na i-a-anunsyo ang desisyon ng pagbibigay ng certificate of public convenience sa Froelich kapag nakatugon na ito sa kanilang mga requirement.
Tags: Froelich Tours Inc., may libreng sakay sa P2P buses ngayong araw