Kinansela ng mga otoridad ang Germany-The Netherlands friendly match ng dalawang oras bago mag-umpisa ang laro sa Hanover stadium.
Ito’y matapos makatanggap ng intelligence ang mga otoridad sa Germany mula sa French Authorities na posibleng pambobomba sa loob ng soccer stadium
Kaagad sinabihan ng mga pulis sa pamamagitan ng public address mga soccer fan na lumabas na ng stadium at umuwi na sa kani-kanilang tahanan.
Mabilis ding pumuwesto ang mga pulis sa labas ng stadium.
Dinala na ang dalawang national teams sa isang ligtas na lugar sa hdi arena.
Inilikas rin ng mga pulis ang mga tao sa Hanover Multipurpose Arena na may isasagawa sanang konsiyerto.
Ayon sa german interior minister hindi dapat balewalain ang impormasyong natanggap kaya marapat lamang ang kanselahin ang soccer match.
Sinabi naman ng Interior Minister Boris na wala silang natagpuan na kahit anong pampasabog at wala ring inaresto kaugnay sa terror threat.
Kabilang sa mga manonood ng soccer match si German Chancellor Angel Merkel at tatlo pang matataas na opisyal.
Ang world champions na Germany ang naglalaro sa Stade de France ng mangyari ang magkakasunod na pagsabog noong biyernes na ikinasawi ng mahigit isang daan at dalawampu
Hindi na sana gustong ituloy ng koponan ang nakatakdang laban nitong martes ngunit napagdesisyunan ng mga manlalaro, coach at national football association na ituloy ang laban bilang pagpapakita ng pakiki-isa sa France.
Tags: Germany, soccer match, terror threat