Free Ride Service Program para sa mga Health Worker, hatid ng DOTr

by Erika Endraca | November 25, 2020 (Wednesday) | 9996

METRO MANILA – Patuloy na naisasagawa ng Department of Transportation (DOTr) ang Free Ride Service Program para sa ating mga Covid-19 frontliners mula sa iba’t ibang panig ng bansa sa pakikipagtulungan ng Land Transportation Office (LTO) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

As of November 23, umabot na sa 1,882,249 ang kabuuang bilang ng mga health worker na gumagamit ng libreng sakay mula sa NCR-Greater Manila at iba pang mga rehiyon habang umabot na sa 66 Vehicle Units ang nai-deploy sa parehong araw, ayon sa datos ng Road Sector.

Samantala, katuwang ang Petron Corporation sa pamamahagi ng fuel subsidy sa mga transport companies na bahagi ng inisyatibo habang ang Free Toll Fee Program naman ay naisakatuparan dahil sa pakikiisa ng mga toll operators ng Toll Regulatory Board (TRB) at nananatiling libre sa lahat ng Luzon expressways para sa ating mga medical frontliners.

Maaaring magtungo sa website ng Sakay.ph o sa kanilang mobile app upang malaman ang 20 ruta ng libreng sakay sa Greater Manila maging ang aktwal na lokasyon ng mga vehicle units. Para naman sa updated map link, pumunta lamang sa https://covid19.sakay.ph.

(Geraldine Blasé | La Verdad Correspondent)

Tags: