Free higher education law, pakikinabangan ng nasa 1.3 milyong mag-aaral sa kolehiyo simula ngayong taon

by Radyo La Verdad | June 14, 2018 (Thursday) | 4787

Nilagdaan na kahapon sa Malacañang ang memorandum of understanding (MOA) sa pagitan ng Commission on higher Education (CHED), 112 state universities and colleges at 78 local universities at colleges.

Ito ay upang maipatupad na ang free higher education law o ang Republic Act 10931. Si Pangulong Rodrigo Duterte mismo ang sumaksi dito.

Nasa 1.3 milyong college students ang makikinabang at hindi na kinakailangang magbayad ng tuition at miscellaneous fees sa mga pampublikong kolehiyo at unibersidad.

Samantalang 300 libo naman sa kanila ang mabibigyan ng karagdagang ayuda ng pamahalaan partikular na ang kabilang sa listahan ng Pantawid Pamilya Pilipino Program (4P’s) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Ipatutupad ito ngayong academic year 2018-2019.

Samantala, nagpahiwatig naman si Pangulong Duterte na kinakailangan talagang mangolekta ng buwis ng pamahalaan para maipagpatuloy ang programang magtataguyod ng libreng edukasyon para sa mga kabataang Pilipino.

 

( Rosalie Coz / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,