Free College Entrance Exam Bill, lusot na sa Senate panel

by Radyo La Verdad | October 26, 2022 (Wednesday) | 744

METRO MANILA – Lusot na sa Senate panel ang panukalang batas na layong gawing libre ang entrance exam sa kolehiyo ng mga deserving o karapat-dapat na mga estudyante.

Inaprubahan ng Kamara ang House Bill 5001 o ang Free College Entrance Examination Act nitong nakaraang buwan.

Layong imandato sa lahat ng pribadong higher education institutions na gawing libre ang entrance exam ng mga mahihirap na high school students na kasama sa Top 10 ng kanilang graduating class.

(Harlene Delgado | UNTV News)

Tags: ,