Kinumpirma ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi napag-usapan ng mga pinuno ng ASEAN Member States ang Militarisasyon at Land Reclamation sa South China Sea.
Subalit nagkasundo ang mga itong tapusin ang framework para sa Code of Conduct.
Nanindigan din si Pangulong Duterte sa mapayapang pagresolba ng mga usapin sa Maritime Dispute.
Samantala, kinilala ni Pangulong Duterte ang kahalagahan ng ugnayan ng mga dialogue partner ng ASEAN Member States tulad ng Canada, European Union, United States of America at India sa kaniyang talumpati sa opening ceremony ng 30th ASEAN Summit.
Gayunman, binigyang-diin nito na mahalaga rin na huwag makialam o manghimasok ang mga ito sa usapin ng mga bansang kasapi ng ASEAN
Hindi naman nawala sa ASEAN Summit ang pagtalakay ng Pangulo sa pagkakaroon ng drug-free ASEAN.
Ayon kay Pangulong Duterte, sa pamamagitan ng political will at cooperation, maaaring mawakasan ang talamak na illegal drug trade.
(Rosalie Coz)