Pumanaw na ang 91-anyos na Founding Father ng Singapore na si Lee Kuan Yew.
Ayon sa anak ng dating Prime Minister, bandang alas-3:18 kaninang madaling araw nang namayapa si Lee.
Ika-lima noong nakaraang buwan nang isugod sa Singapore General Hospital ang dating prime minister dahil sa sakit na pneumonia.
Nanungkulan bilang Prime Minister sa loob ng 31-taon si Lee at ipinagpatuloy nito ang pagsisilbi sa gobyerno hanggang 2011.
Ginagalang ng karamihan si Lee bilang Architect of Singapore na nagpaangat sa Lion City upang maging isang mayamang global hub.
The Philippine Broadcast Hub
UNTV, 915 Barangay Philam, EDSA, Quezon City M.M. 1104
Radyo La Verdad © All Rights Reserved 2019
+632 8 442 6254 | Monday – Friday, 8AM – 5PM | info@radyolaverdad.com