Pumanaw na sa edad na walumpu’t walo ang dating senador at human rights lawyer na si Joker Arroyo lunes ng gabi sa estados unidos sanhi ng heart attack.
Si Joker Arroyo ay dating nanilbihan bilang representative ng first district ng Makati sa loob ng siyam na taon mula 1992 hanggang 2001.
At bilang senador naman mula 2001 hanggang 2013.
Tinagurian ang senador na “Scrooge of Congress” dahil sa kaniyang pagiging matipid, sa paninilbihan ni Arroyo bilang mambabatas ay meron lamang itong tatlong staff, ang kaniyang driver, secretary at legislative assistant.
Hindi rin nagkaroon ng body guard ang senador.
Si Arroyo rin ang senador na hindi gumamit ng kaniyang P200-million annual Priority Development Assistance Fund o pork barrel allocation.
Kilala rin ang senador sa kaniyang mga hinawakang kaso bilang human rights lawyer sa pagtatanggol sa ilang mga political detainees gaya nila Benigno “Ninoy” Aquino Jr, Eugenio Lopez,Jr., Serge Osmeña III, Jose Ma. Sison, Jovito Salonga, Nene Pimentel, Eva Kalaw, Renato Tañada, Eduardo Olaguer, at marami pang iba.
Ipinanganak ang dating senador sa Naga city noong January 5, 1927 sa Naga, Camarines Sur kung saan niya tinapos ang kaniyang primary at secondary education at nagtapos naman ng kaniyang kolehiyo sa UP College of law at Ateneo de Manila University.