Former Senator Bongbong Marcos, hindi tatakbo 2019 elections

by Radyo La Verdad | January 11, 2018 (Thursday) | 5439

June 2016 nang maghain sa Korte Suprema si Former Senator Bongbong Marcos ng election-protest laban kay Vice President Leni Robredo. Kinokontesta nito ang pagkapanalo ni VP Robredo bilang bise Presidente noong 2016 Presidential elections.

Ayon kay Marcos, pakiramdam niya ay masyado siyang agrabiyado sa tagal ng usad ng kaniyang mosyon na i- recount ang resulta sa Vice Presidential race.

Ngunit nanindigan ito na hangga’t hindi lumalabas ang resulta ng electoral protest laban kay VP Robredo, walang siyang balak na bumalik sa senado. Kumpiyansa ito na sapat ang kaniyang mga dokumento at testigo sa kaso.

Ayon kay Atty. Romulo Macalintal, Legal Counsel ni VP Robredo, taktika lamang ito ng dating senador upang maantala pa ang resulta ng nalalapit na recount. Normal lamang aniya sa reaksyon ng isang natalo ang ginagawa niyang hakbang sa ngayon.

Samantala, ayon sa Comelec Dir. James Jimenez, sumusunod lang sila sa ipinag-utos ng Presidential Election Tribunal at ang mandato ng Comelec ay ang ibigay ang nakatalang election results ng nagdaang halalan.

 

( Aiko Miguel / UNTV Correspondent )

Tags: , ,