Former Sen. Jinggoy Estrada, inaresto dahil sa paglabag sa ECQ protocol

by Erika Endraca | May 4, 2020 (Monday) | 1135

METRO MANILA – Pinauwi na rin kagabi (May 3)  si Dating Senador Jinggoy Estrada matapos dalhin sa presinto sa San Juan dahil sa umano’y paglabag sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) protocol.

Nasa kalagitnaan ng pamimigay ng bangus sa Barangay Salapan si Estrada nang may dumating na mga pulis sa lugar at inimbitahan siya sa presinto sakay ng police car.

“We recieved several reports na from this afternoon and from the past na may mga violations committed ng social distancing yung distribution ni ex-sen. jinggoy estrada.) we invited him to this station in oorder to shed light on this issue, once and for all.“ani Chief Of Police, San Juan Cps Col. Jaime Santos.

Pero giit ng Dating Senador, wala siyang nilabag na batas.

Kumpleto umano siya sa mga Personal Protective Equipment (PPE) at ipinatutupad din umano ng kanyang mga tauhan ang social distancing sa 2 Linggong pamimigay ng ayuda.

“Those were old videos. ‘yung nagkumpul-kumpol ang mga tao, wala po ako dun.” ani Ex-sSn. Jinggoy Estrada.

Tngin ng senador, pulitika ang dahilan ng pagsita sa kanya.

Marami rin naman daw umanong ibang grupo ang nagsasagawa ng relief operations sa lungsod kahit na walang permit. Hindi rin umano siya makikipag-ugnayan sa Alkalde.

“Why are they singling me out? just because i am an estrada? bawal na ba kaming tumulong dito sa San Juan? Noon palang sinasabi niya na ‘wag tutulungan ‘yung mga rolling store namin. so, you expect me to get a fair shake? i don’t think so.” ani Ex-Sen. Jinggoy Estrada.

Itinanggi rin ni Estrada na may kasamang pera ang ipinamimigay niyang ayuda.

Sa kabila nito, maghahanap pa rin umano siya ng paraan para ituloy ang pamamahagi ng ayuda sa mga taga San Juan.

“Hinahamon ko nga si Mayor Zamora kung kaya niya pakainin tatlong beses sa isang araw ang mga mamamayan dito sa San Juan, hindi na po ako tutulong. kaya pala niya eh. pero, sa tingin ko hindi po kaya.”ani Ex-Sen. Jinggoy Estrada.

Sa isang pahayag, binigyang-diin ng Akalde na lumabag si Estrada sa mga direktiba ng Interagency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) at Department of the Interior and Local Government.

Ayon sa Alkalde, walang certification o permit si Estrada.

Tanong ni Zamora, bakit hindi kayang gayahin ng dating Senador

ang kanyang anak na si Dating San Juan Vice Mayor Janella Estrada na nag-apply ng permit para sa kanilang rolling botika — na agad din umano niyang inaprubahan?

Hindi rin umano siya kabilang sa mga indibidwal na maituturing na person authorized outside of his residence.

Napuna rin ng Alkalde ang tila hindi malinis na paraan ng pamamahagi ng isda na maaari umanong makadagdag sa pagkalat ng virus.

Nanindigan din si Zamora na walang kinalaman ang pulitika sa San jJan sa naging pag-aresto sa Senador.

(Harlene Delgado | UNTV News)

Tags: ,