Former poll official, tetestigo sa senado kaugnay ng umano’y pagkakaiba ng datos mula sa VCM noong 2016 elections

by Radyo La Verdad | February 2, 2018 (Friday) | 10001

Nais ng Congressional Oversight Committee na tingnang mabuti ang ilang alegasyon na may pagkakaiba ng datos sa vote counting machines o VCM ng ilang rehiyon noong May 2016 elections.

Ayon kay Senator Francis Escudero,may lumapit sa kaniya noong nakaraang taon na dating opisyal ng COMELEC na nagsasabing may hindi tugmang datos sa backup at main drives ng VCM.

Isa sa bagong teknolohiya ng VCM na ginamit noong 2016 presidential elections na sa sandaling ipinasok sa VCM ang balota, ito ay mai-iscan  na gagawa ng kopya at maise-save sa sd card.

Aalamin ng komite sa susunod na pagdinig kung ilan sa back-up drives na ito ang nag-transmit dahil sa posibleng implikasyon nito sa resulta ng botohan.

Ngunit sa kabila nito, ayon sa outgoing Acting  Poll Chairman Christian Robert Lim, wala silang nakikitang pagkakaiba o kontra datos base na rin sa official records.

Nilinaw ng komite na walang kaugnayan ang pagdinig nila na ito sa protesta ni dating senator at natalo sa pagka bise presidente na si Bongbong Marcos kung saan ayon sa alegasyon ni Marcos ay may nangyaring dayaan sa nakaraang eleksyon base ilang kopya ng ballot images na kaniyang nakuha na nagpapakita na may anomalya umanong nangyari.

 

( Nel Maribojoc / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,