Former INC Minister Lowell Menorca, opisyal nang binigyan ng protection status ng Canadian gov’t

by Radyo La Verdad | February 2, 2018 (Friday) | 2708

Kailangang ilagay si Lowell Menorca bilang “A person in need of protection from a risk of cruel and unusual treatment or punishment and a risk to his life.” Lumabas ito sa desisyon ng International Refugee Board sa petisyon ng dating ministro ng INC.

Dadag pa ng IRB, credible o kapani-paniwala ang pahayag ni Menorca habang ang minister’s counsel  ng INC ay hindi nakapag sumite ng ano mang ebidensyang makakasira sa kredebilidad ng claimant.

Ayon kay Menorca, inabot ng lagpas isang taon ang karaniwang ilang araw lamang na proseso ng pagdinig para sa kanyang petisyon dahil sa dami ng ipinadalang kontra-petisyon ng mga  miyembro ng INC.

Nangangamba naman si Menorca para sa kaligtasan ng kaniyang asawa at mga anak. Umaasa siyang makakasama niya ang mga ito sa lalong madaling panahon.

Humingi naman ng paumanhin si Menorca kay Bro. Eli Soriano, ang host ng programang Ang Dating Daan. Naging bahagi raw siya noon sa paninira ng INC sa international televangelist.

Samantala, wala pang pahayag ang pamunuan ng Iglesia ni Cristo hinggil dito.

 

( Lerma Macaburas / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,