Nagkainitan sina Senate Blue Ribbon Committee Chairman Richard Gordon at dating Bureau of Customs Commissioner Nicanor Faeldon sa kalagitnaan ng pagdinig ng senado sa isyu ng tara system sa BOC, ito ay nang banggitin ng senador ang ilang pabor na binibigay kay Faeldon habang ito ay nakadetine sa senado.
Iginiit rin ng dating BOC Chief na hindi siya kailanman umiwas na sumagot sa mga isyung binabato sa kaniya partikular na ang umanoy pagtanggap niya ng tara noong siya ay nasa ahensya pa.
Ibinulgar naman ni Faeldon na sina Senators Franklin Drilon at Vicente Sotto III na may “illegal request” sa kaniya na para sa kaniya ay isang korapsyon.
Pinilit umano siya ni Sen. Drilon na pumirma sa isang memorandum of agreement para sa renovation ng opisina ng BOC sa Iloilo. Pinabulaanan naman ng mga senador ang mga alegasyon na iligal ang kanilang ginawa.
Ayon kay Senator Gordon, mananatili sa pagkakadetine si Faeldon at inirekomenda na niya itong ilipat sa Pasay City Jail.
( Nel Maribojoc / UNTV Correspondent )
Tags: Faeldon, Sen. Gordon, Tara