Formal peace talks ng pamahalaan at CPP, simula na ngayong araw

by Radyo La Verdad | August 22, 2016 (Monday) | 2809

DUREZA
Ngayong araw ang nakatakdang pagsisimula ng pormal na negosasyon ng pamahalaan at Communist Party of the Philippines na magtatagal hanggang sa August 27 sa Oslo, Norway.

Umaasa ang magkabilang panig na ang pag-uusap na ito ang magwawakas sa mahigit apat na dekadang pakikipagbaka sa pagitan ng makakaliwa at pamahalaan.

Simula hatinggabi ng August 21, muling nagdeklara ng unilateral ceasefire at pinahinto ni Pangulong Rodrigo Duterte ang offensive operations ng government securiy forces laban sa mga rebelde upang bigyang-daan ang usapang pangkapayapaan.

Ginawa ang pahayag bago umalis sa bansa patungong Oslo, Norway noong Sabado ang mga kinatawan ng pamahalaan para sa pag-uusap sa pangunguna ni Presidential Peace Adviser on the Peace Process Sec. Jess Dureza.

Pitong araw naman ang idineklarang tigil putukan ng CPP at armed wing nitong New People’s Army, simula noong Biyernes ng gabi hanggang August 27.

(UNTV RADIO)

Tags: ,