Foreign trips, hindi prayoridad sa ngayon ni Pres. Rodrigo Duterte

by Radyo La Verdad | July 4, 2016 (Monday) | 2039

NEL_HINDI-PRIORIDAD
Tutukan muna ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga problema ng Pilipinas at sa ngayon ay hindi nito prayoridad ang bumiyahe sa ibang mga bansa,

Ayon kay Abella, inaayos pa ang magiging official residence ni Pangulong Duterte sa Maynila, ngunit hindi pa tiyak kung sa bahay pangarap o sa palasyo ng Malakanyang.

Samantala inilabas na ng Malakanyang, ang unang executive order ni Pangulong Duterte.

Ito ay may kaugnayan sa re-organization ng mga ahensya na nasa ilalim ng Office of the President.

Kung saan pangangasiwaan ng cabinet secretary na si Secretary Jun Evasco ang labindalawang ahensya ng pamahalaan kabilang dito ang mga sensitibong ahensya na Housing And Urban Development Coordinating Council o HUDCC, National Anti-Poverty Commission, National Food Authority o NFA, National Youth Commision, Philippine Coconut Authority at Technical Education Skills Development Authority o TESDA.

Pinagisa na rin sa ilalim ng Office of the Special Assistant to the President ang pangangasiwa sa Office of the Appointments Secretary at Presidential Management Staff.

Binuo rin ang tinatawag na events management cluster na kinabibilangan ng presidential management staff, presidential security group, presidential protocol office, media accreditation & relations office at radio-television Malacanang para sa mas maayos na koordinasyon at paghahanda sa mga presidential engagement.

(Nel Maribojoc / UNTV Correspondent)

Tags: ,