Foreign marine research firms, nakapagsagawa ng pag-aaral sa PHL Rise nang walang permit

by Radyo La Verdad 1350 | February 27, 2018 (Tuesday) | 1717

Ilang beses ng nagsagawa ng maritime scientific research ang China sa Benham o Philippine Rise.

Ayon kay national security adviser Hermogenes Esperon hindi lahat ng nangyaring marine research sa lugar ay may pahintulot ng pamahalaan ng Pilipinas.

Pagkatapos ng nasabing ginawang pag-aaral ng researchers ng China sa Benham Rise noong panahon na iyon, saka naglabas ang China ng pangalan ng limang underground features.

Pero muling nilinaw ni Esperon na hindi dahil pinag-aralan na ng China ang mga ito ay magiging pag-aari na nila ang lugar.

“These groups of China were able to name Jinghao seamount which is near, which is within the Philippine EEZ [Exclusive Economic Zone]. That does not mean that they have the jurisdiction and sovereignty over that seamount,” ani Esperon.

Dahil sa pangayayaring ito, ayon kay Esperon,  ang Office of the President na ang mismong mag-aapruba kung mayroong ibang bansa na nais na magsagawa ng pagsusuri sa Benham Rise sa halip na ang National Maritime Research Institute.

Imumungkahi naman ni Sen. Bam Aquino ang pagdagdag sa marine research fund ng bansa.

 

(Mai Bermudez/UNTV Correspondent)

 

 

 

Tags: , , ,