Mahigit pitumpung milyong piso ang nadagdag sa yaman ni Department of Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario na itinuturing pa ring pinakamayaman sa mga miyembro ng gabinete ni Pangulong Aquino.
Batay ito sa inilabas ng Malakanyang na kopya ng 2014 Statement of Assets, Liabilities at Net worth ng mga Cabinet member.
Mahigit sa 838 million pesos ang Net worth ni Secretary del Rosario.
Ang kalihim ay kilala sa kaniyang business career sa sektor ng insurance, real state, telecommunications, banking, food industries, mining at oil industries bago pa nagtrabaho sa pamahalaan.
Kabilang rin sa top 10 Richest Cabinet Members sina Finance Secretary Cesar Purisima, Tourism Secretary Ramon Jimenez, DILG Secretary Mar Roxas, DTI Secretary Gregory Domingo, Cabinet Secretary Rene Almendras, Energy Secretary Jericho Petilla, Chief Presidential Legal Counsel Benjamin Caguiao at DOTC Secretary Jun Abaya.
Pinakamahirap pa rin na miyembro ng gabinete si DepEd Secretary Armin Luistro na may mahigit 471 thousand pesos na net worth.
Sunod sina OPAPP Secretary Teresita Deles, DSWD Secretary Dinky Soliman, Labor Secretary Rosalinda Baldoz at Justice Secretary Leila de Lima.(Nel Maribojoc/UNTV News)
Tags: Department of Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario, DSWD Secretary Dinky Soliman, Justice Secretary Leila de Lima, Labor Secretary Rosalinda Baldoz