Food Security Czar Kiko Pangilinan, nagbitiw na sa tungkulin

by Radyo La Verdad | September 15, 2015 (Tuesday) | 5985

JERICO_PANGILINAN
Matapos ang ginawang pakikipagpulong kay Pangulong Benigno Aquino III nitong mga nakaraang linggo.

Naghain na ng resignation si Presidential Assistant for Food Security and Agricultural Modernization Secretary Francis ‘Kiko’ Pangilinan.

Kinumpirma mismo ng kalihim sa kaniyang text message na noong nakaraang linggo ay nagsumite na siya sa Office of the President ng kaniyang resignation.

Magiging epektibo anya ang kaniyang pagbibitiw sa darating na September 30.

Sinabi naman ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na tinanggap na nga ng pangulo ang resignation ni Pangilinan.

Dagdag pa ni Valte may kaugnayan ang kaniyang pagbibitiw sa kaniyang plano na muling pagtakbo bilang senador sa darating na 2016 national elections.

May 2014 nang itinalaga ng pangulo si Pangilinan bilang Food Security Czar.

Pinangangasisiwaan ni Secretary Pangilinan ang apat na ahensya ito ay ang National Food Authority, National Irrigation Administration, Philippine Coconut Authority at Fertilizers and Pesticide Authority na inilipat sa office of the president mula sa Department of Agriculture sa bisa ng Executive Order number 175.(Jerico Albano/UNTV Radio Correspondent)

Tags: , ,