Focused military operations, ipatutupad vs NPA upang hindi madamay ang mga sibilyan – AFP

by Radyo La Verdad | February 7, 2017 (Tuesday) | 1227


Nagsimula nang maghanda ang Armed Forces of the Philippines para sa kanilang operasyon laban sa New People’s Army kasunod ng all-out war declaration ng pamahalaan sa mga ito.

Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Col. Edgard Arevalo, focused military operations ang kanilang gagawin laban sa rebeldeng grupo.

Samantala, nananatili naman aniya silang bukas sa mga nagnanais na magbalik loob sa pamahalaan.

Sa ngayon ay may pitong miyembro na ng NPA ang sumuko at dalawa ang naaresto simula nitong Enero.

Wala namang itinakdang deadline si AFP Chief of Staff Gen. Eduardo Año sa pagsugpo sa NPA.

Sa kabila ng inilunsad na all-out war sa NPA, hindi naman pababayaan ng militar ang opensiba sa Abu Sayyaf Group.

Ngayong araw, limang miyembro ng asg ang napatay sa engkwentro ng militar sa Sulu.

Pinangunahan ang nasabing operasyon ng Marines Special Operations Group.

Ayon kay Coronel Arevalo, sailalim ng bagong kampanya ng AFP magkakatulong ang lahat ng sector hindi lang ang gobyerno upang masugpo ang terorismo sa bansa.

(Bryan De Paz / UNTV Correspondent)

Tags: , ,