Flyby ng mga bagong sasakyang panghimpapawid ng Philippine Airforce, tampok sa ika-80 anibersaryo ng AFP sa Clark Airbase, pampanga

by Radyo La Verdad | December 21, 2015 (Monday) | 1714

ROSALIE_AFP
Sa kauna-unahang pagkakataon, hindi sa Metro Manila isasagawa ang pagdiriwang ng foundation anniversary ng Armed Forces of the Philippines.

Kaya sa Clark Airbase, Pampanga napiling ipagdiwang ay dahil magiging highlight sa AFP day ang mahabang flyby ng Philippine Airforce aircrafts.

Si Pangulong Benigno Aquino The Third ang guest of honor sa pagdiriwang ng ika-80 pagkakatatag ng Hukbong Sandatahang Lakas ng Pilipinas.

Ito rin ang huling AFP anniversary na kaniyang dadaluhan bilang pangulo ng bansa.

Ayon sa tagapagsalita ng AFP na si Col. Restituto Padilla Jr., pagkakataon na rin ito ng Hukbong Sandatahang Lakas ng Pilipinas na pasalamatan si Pangulong Aquino prayoritisasyon ng AFP Modernization Program.

Ilan sa mga air assets na aasahang itatampok mamaya sa pagdiriwang ay ang dalawang FA-50 fighter jets na diniliver ng Korea Aerospace Industries noong nakalipas na buwan.

Paliliparin din ang tatlong bagong C295 medium lift aircraft, Augusta at UH-1D helicopters.

Kasama rin sa ipapakita sa publiko ang 77 M113A2 armored personnel carriers na ibinigay ng Amerika sa pamamagitan ng excess defense article program nito.

Ipaparada rin ang ilang artillery assets, mobility equipment, trucks at iba pang kagamitan tulad ng rescue vehicles para sa humanitarian assistance at disaster relief.

Kumpara sa mga nakalipas na AFP day, inaasahang mas mahaba ang military parade ngayong taon dahil sa mga nadagdag na military assets.

Layon ng paradang ito na ipakita sa publiko na ginastos sa nararapat ang salaping inilaan para sa modernisasyon ng Hukbong Sandatahang Lakas ng Pilipinas.

(Rosalie Coz / UNTV Correspondent)

Tags: , , , , ,