METRO MANILA – Habang wala pang lunas o bakuna na nadidiskubre laban sa COVID-19, may mga hakbang pa na pwedeng gawin ang publiko para maiwasan ang malubhang epekto ng sakit.
Ayon kay Dr Arthur Dessie Roman, isang internist at infectious disease specialist, malaki rin ang naitutulong ng flu vaccines.
Lalo na aniya ngayon na may pandemya at kasalukyan nang nararanasan ang tag- ulan sa bansa.
“Kailangan natin i- boost ang antiobodies na napo- produce against the flu virus. Maaaring matanggap natin ngayon ang ating immunity ay bumababa over time at number 2 ay dahil maaaring iba na ang nagci- circulate na strain. sa panahong ito na uso ang influenza and COVID-19 mahalaga na imonitor natin ang ating signs and symptoms.” ani Internist and Infectious Disease Specialist Dr Arthur Dessie Roman.
Ayon kay D. Roman, prayoridad na mabakunahan laban sa trangkaso
ang mahigit 8-M senior citizen sa Pilipinas. Lalo na ang mga may iniindang sakit gaya ng diabetes .
Taon- taon, 5,000 ang karagdagang namamatay na Pilipino sa bansa dahil sa flu, 67% sa mga ito ay nasa edad 60 years old pataas.
“Kaparehas ng flu o trangkaso ang mga sintomas ng covid-19 gaya ng lagnat, ubo, pananakit ng katawan, fatigue at sore throat” ani DOH Dr Eric Tayag.
Mahirap aniya makita ang kaibahan ng dalawang sakit kaya habang maaga pa lang ay magpabakuna na laban sa trangkaso.
Samantala batay sa pag- aaral ng mga eksperto, ang isa sa benepisyo ng flu vaccine ay makakaiwas ang isang indibidwal sa tiyansang ma- ospital at madala sa icu dahil sa trangkaso.
“As much as 40% it reduces the risk of being hospitalized because of flu . Kapag ikaw daw ay nakatanaggap ng vaccine, iyong probability mo na ma- admit sa isang hospital becase of flu ay bumababa. It decreases the risk in as much as 80% of you being admitted in the icu.” ani Internist and Infectious Disease Specialist Dr Arthur Dessie Roman.
Libre ibinibigay ang flu vaccine sa mga mga DOH- accredited o government hospitals.
(Aiko Miguel | UNTV News)
Tags: Covid-19, Flu Vaccine