Flood early warning device, ipinagkaloob sa isang bayan sa Camarines Sur

by Radyo La Verdad | June 28, 2018 (Thursday) | 16656

Laking pasasalamat ngayon ng bayan ng Canaman, Camarines Sur dahil sa natanggap nilang gamit na maaaring mapakinabang sa tuwing nagkakaroon ng matinding pagbaha sa kanilang lugar.

Ang flood early warning device ay isang uri ng instrumento na nagbibigay ng malakas na hudyat sa tuwing may pagtaas ng tubig sa isang lugar.

Maliban sa Canaman, makikinabang din sa flood early warning device ang mga karatig bayan kabilang ang lungsod ng Naga, Camaligan at Cabusao, Camarines Sur na kabilang sa Bicol River Basin at ilan sa mga flood prone area.

Base sa Marines Polytechnic Colleges Foundation, ang Barangay Mangayawan sa Canaman ang unang unang barangay na nakararanas ng pagtaas ng tubig baha sa tuwing may pag-apaw ang Bicol River Basin kaya dito nila inilagay ang instrument.

Ang instrumento ay nagkakahalagang P40,000 at sa susunod na linggo darating naman sa Canaman ang karagadagang kagamitan na general alarm device na magagamit sa iba’t-ibang uri ng sakuna maaaring maranasan ng isang lugar.

 

( Allan Manansala / UNTV Correspondent )

Tags: , ,