Flint Michigan nagdeklara ng state of emergency dahil sa mataas na lead sa drinking water

by Radyo La Verdad | December 17, 2015 (Thursday) | 1351
(photo credit: REUTERS)
(photo credit: REUTERS)

Nagdeklara ng state of emergency nitong Lunes ang Mayor ng Flint Michigan dahil sa mataas na lead content sa inuming tubig sa siyudad

Noong nakaraang buwan ay nagsampa ng demanda ang mga residente laban sa governor at dating mayor ng siyudad dahil sa pagkakasakit matapos maka-inom ng tubig mula sa gripo.

Nagkaroon ang mga residente ng respiratory disorders at skin lesions dahil sa tubig.

Sa pahayag ng city hall, nagpalit umano ng water source ang siyudad kaya tumaas ang lead level sa tubig.

Inabisuhan muna ng mga otoridad ang mga residente na pansamantalang gumamit ng water filters habang ginagawan na ng solusyon ang problema.

Tags: , , ,