Flashfloods, naranasan sa ilang lugar sa Singapore dahil sa masamang panahon

by Radyo La Verdad | January 9, 2018 (Tuesday) | 2404

Bumuhos ang malakas na ulan sa Singapore kahapon. Tuloy-tuloy ito at tumagal ng tatlong oras. Ngunit kahit ilang oras lamang ito ay nagdulot na ito ng pagbaha sa bansa na hindi pangkaraniwang nangyayari.

Ilan sa mga lugar na naapektuhan ng hindi inaasahang pagbaha ay ang Tampines Avenue 12, Upper Changi Road/Bedok North Avenue 4, Bedok Road/Upper Changi Road East, Arumugam Road, Sims Avenue/Eunos Road 8, Sims Avenue/Tanjong Katong Road, Jalan Nipah, Bedok Road/New Upper Changi Road at Tampines Road.

Halos mapuno rin ng tubig-ulan ang maraming waterway sa Singapore gaya ng Sungei Tongkang, Sungei Kallang at Bedok Canal at dahil dito itinaas ng pamahalaan  ang high flood risk alerts.

Ayon pa rin sa Public Utilities Board o PUB, tumagal ang baha mula 15 minutes hanggang isang oras bago ito tuluyang humupa,

mabilis naman ang pagresponde ng Civil Defence Force personnel upang tulungan ang mga na-trap na sasakyan sa gitna ng baha.

 

( Maila Guevarra / UNTV Correspondent )

Tags: , ,