Fishing ban sa Zamboanga Peninsula, nagsimula na

by Radyo La Verdad | December 3, 2018 (Monday) | 10425

Epektibo noong Sabado ay ipinatupad na ang tatlong buwang fishing ban ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa Zamboanga Peninsula.

Hindi muna pinapayagang manghuli ng mga isdang ginagawang sardinas ang malalaking sasakyang pangisda sa karagatang sakop ng rehiyon.

Kabilang sa uri ng sardinas na ipinagbabawal hulihin ay ang tamban-tuloy, tuloy, tunsoy at iba pa. Mahigpit ring ipinababawal ang paggamit ng mga fishing nets na purse seine, ringnet, bagnet at scoop net.

Maaaring pagmultahin ng hanggang 50,000 piso hanggang 100,000 piso ang lalabag sa small-scale commercing fishing, habang isa hanggang limang milyong piso naman sa mga large-scale commercial fishing.

Nilinaw naman ng BFAR na pinapayagan namang manghuli ang may maliliit na bangka.

Tags: , ,