Fish cages na apektado ng fish kill sa Bolinao Pangasinan, ipinasasara ng lokal na pamahalaan

by Radyo La Verdad | June 6, 2018 (Wednesday) | 4097

Ipinag-utos ng lokal na pamahalaan ng Bolinao ang dalawang taon pagpapahinto sa operation ng mga fish pen sa tatlong barangay sa bayan ng Bolinao na naapektuhan ng fishkill noong ika-29 hanggang ika-31 ng Mayo. Sakop nito ang barangay Culang, Luna at Luciente II.

Ayon kay Zenaida Ugaban, provincial fishery coordinator, posibleng polusyon sa dagat ang sanhi ng fish kill dahil sa dami ng mga basura sa ilalim nito at hindi ang pagbabago sa panahon, kaya hindi na ideal na lagyan ang mga ito ng fish pen.

Ang dalawang taong moratorium ay epektibo simula Hulyo 2018 hanggang Hulyo 2020.

Sa tala ng lokal na pamahalaan ng Bolinao, aabot sa higit 33 milyong pisong halaga ang pinsala ng fish kill sa mga naturang lugar.

Kasama sa mga pansamantalang ipasasarang fish pen ang mga katabi ng mga pangunahing apektado ng fish kill.

Sa ngayon ay pinag-aaralan na ng provincial government ang livelihood program para sa mga may ari ng fish cages at fish pens na naapektuhan ng fish kill.

 

( Grace Doctolero / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,