Fire incident scenario, sentro ng isinagawang shake drill sa lungsod ng Maynila

by Radyo La Verdad | July 30, 2015 (Thursday) | 1469

02 RESCUE
Pagsapit ng 10:30 kanina sabay sabay na tumunog ang mga serena bilang hudyat ng pagsisimula ng Metro Manila Shake Drill.

Ang mga tao sa loob ng MMDA Workers Inn agad na nag- duck cover and hold sailalim ng mga mesa hanggang sa kunwariy natapos 45 segundong paggalaw ng lupa.

Kasabay ng malakas na lindol ang pagsiklab naman ng sunog sa 4 storey building.

Matapos ang pagyanig agad pinalikas ang mga tao sa gusali patungo sa Intramuros Golf Course na itinalagang evacuation area.

Sumugod naman ang mga bumbero upang apulahin ang apoy.

Hinuli naman ng mga pulis ang mga looters yung mga nagnanakaw ng gamit mula sa building.

May mga tao na trap sa itaas ng building kaya gumamit na ng hagdanan ang mga bumbero upang mailitas ang mga ito.

Nang maapula ang sunog saka pumasok ang mga rescue team.

Dahil hindi madaanan ang ibang bahagi ng nasunog na building, kinailangan magsagawa ng high angle rescue upang maibaba ang mga sugatan.

Ang nagtamo ng minor injuries ay dinala sa isang tent upang bigyan ng medical attention.

Ang mga may malubhang pinsala ay dinala ng ambulansya sa Plaza Mexico kung saan naka standby ang isang ferry na magdadala sakanila sa Sta. Ana Hospital.

Matapos ang drill nakitaa ng ilang kakulangan na dapat na maayos.

Bahagi sa drill ang scenario ng sunog dahil batay sa pag aaral, kapag tumama ang 7.2 magnitude na lindol, nasa 500 sunog ang maaring mangyari sa Metro Manila sa unang mga oras matapos ang lindol

Apela naman ng MMDA mahalaga ang maging handa bago ang sakuna kaya maiging bawat isa ay may alam sa first aide at may nakahandang first aid kit, damit, pagkain at tubignatatagal ng ilang araw .

Tags: , ,