METRO MANILA – Magkaka-alaman na mamayang gabi (March 9) kung kaninong kasaysayan ang guguhit sa Liga ng Public Servants.
Makuha na kaya ng DENR Warriors ang kampyonato at maging kauna unahang Rookie Team na nakagawa nito.
O ma ipwersa pa ng defending champion AFP Cavaliers ang Do or Die game 3 at makuha ang kauna unahang back to back championship title.
Inaasahang bubuwelta ang Cavaliers matapos talunin ng Warriors noong Game 1.
Malaking kawalan sa arsenal ni Coach Sonny Manucat ang injured bigmen na sina Wilfred Casulla at Jeffrey Quiambao.
Inaabangan rin ng Cavaliers fans kung makalalaro na ng 100 percent sina Boyet Bautista at Eugene Tan na may iniindang injury noong game 1 battle.
Subalit ang DENR , desidido ng tapusin ang Season 8 championship sa Game 2.
Kaya ayon kay Coach Norlito Eneran, paghahandaan rin nila ang mga posibleng gawing adjustments ng AFP.
P4-M ang maiuuwi ng kampyon habang P2-M naman sa runner up team.
Sa kabuuan aabot sa P10-M ang kabuuang premyo para sa mga napiling benipisyaryo ng bawat koponan.
Samantala bago ang Game 2 ay ang knock out game sa Semis at Finals ng 3×3 format.
4 na koponan na lamang ang natirang maglalaban para dito, ang Philhealth Plus, SSS Kabalikat, Ombudsman Graft Busters at PITC Global Traders.
P100,000 ang makakamit na premyo ng champion at P50,000 ang runner up team.
4pm naman ng hapon ay handa ng magbigay ng serbisyo ang booth ng SSS at Philhealth sa venue .
(Bernard Dadis | UNTV News)