Final push ng militar sa Marawi, hindi magiging madali

by Radyo La Verdad | August 31, 2017 (Thursday) | 2542

 

Hindi magiging madali para sa sandatang lakas ng Pilipinas ang isasagawang final offensive para sa tuluyang pagbawi sa Marawi City sa Maute group. Hindi rin makapagtakda ang military kung kailan matatapos ang giyera sa Marawi sa kabila na maliit na lamang ang lugar na ginagalawang ng nalalabing 40 miyembro ng Maute group.

Hawak pa rin ng mga terorista ang ilang bihag na ginagamit nilang human shields kaya nahihirapan ang mga sundalo at pulis na pasukin ang kanilang kuta.

Nabawi na ng mga sundalo ang Mapandi Bridge na siyang ginagamit ng mga rebelde na daan ng kanilang mga supply. Nasa 500 metro na din lamang  ang layo ng tropa ng pamahalaan sa Lanao Lake ang lugar na ginagamit ng Maute para makatakas sa opensiba ng government forces.

Sa ika isang daang araw ng Marawi crisis umabot na sa 617 ang napatay na terorista, 133 sa government forces at 45 naman ang sibilyan.

 

 

 

 

 

 

 

Tags: , ,