Final list ng 120 Paaralan na kabilang sa Pilot Face-to-Face Classes, posibleng ilabas na ng DepEd ngayong linggo

by Erika Endraca | October 4, 2021 (Monday) | 2118

METRO MANILA – Malapit ng matapos ng Department of Education (DepEd) ang kanilang pagsasapinal sa higit 100 paaralan sa bansa na makakasama sa gagawin pilot run ng face-to-face classes.

Ayon kay DepEd Undersecretary Nepomuceno Malaluan, ngayong araw ay magpupulong sila kasama ang mga regional director para sa final list ng lalahok sa in-person learning.

“Ninais natin na ang unang makatanggap ng balitang iyan ay ang ating mga regional directors dahil baka mayroon silang mga katanongan, clarification dito sa naging risk assessment pagkatapos nya kung maisapinal ay we will then disclose it to the public.” ani DepEd Usec. Nepomuceno Malaluan.

Humihingi ng pang-unawa ang Comelec sa publiko dahil limitado lamang ang mapipiling eskwelahan para sa physical learning na isasagawa sa loob ng 2 buwan.

“Gusto talaga natin na masiguro na maayos itong magiging pilot natin dahil nakasalalay dito yung expansion. We really appeal to everyone this is not a localized effort but a national effort we hope that we will regard this as a national effort even if this are happening in certain select areas.” ani DepEd Usec. Nepomuceno Malaluan.

Samantala, tiniyak naman ng DepEd na may dagdag na pondong ilalaan sa mga paaralang mapipili sa pilot face-to-face classes.

Ayon kay DepEd Undersecretary of Finance Annalyn Sevilla, hinihintay na lamang nila ang listahan ng mga paaralan para tingnan ang kakailanganing pondo sa pagsasagawa ng physical classes.

“If there will be such a need I think it will be on the contigency plan ang ibig sabihin pag nagsimulate tayo, what are the other needs na hindi namin na-cover parte na po yan ng school moe at parte narin po ng 4-Billion Pesos that we downloaded already to the schools.” ani DepEd Usec. Annalyn Sevilla.

Nilinaw din ng DepEd na isang shared responsibility ang nasabing pilot implementation ng face-to-face classes at suportado ito ng mga local government units at Department of Health.

(Janice Ingente | UNTV News)

Tags: ,