FilCom sa Hong Kong, sinuportahan ang inilunsad na PNP Global Police Community Relations

by Radyo La Verdad | November 29, 2018 (Thursday) | 4535

Naging mainit ang pagtanggap ng mga kababayan natin sa Hongkong sa launching ng Police Community Relations project ng Philippine National Police (PNP) sa Pier 9, Central Ferry Pier, Hong Kong.

Dumalo sa launching noong Linggo sina dating PNP chief at Bureau of Corrections chief retired General Ronald Bato Dela Rosa, head ng Global Police Community Relations Police Chief Superintendent General Rhodel Sermonia, Governor Imee Marcos at Mayor Lani Mercado

Hindi inasahan ni Retired General Dela Rosa na ganitong pagtanggap sa proyektong ito ng OFWs sa Hong Kong.

Ilan sa mga palatuntunan ng police community relation project ay ang mabilisan na pagbibigay ng assistance sa mga OFWs na nakakaranas ng pang-aapi sa bansang kinaroroonan.

Layunin din nito na mapalakas ang koneksyon ng Philippine National Police (PNP) sa iba’t-ibang law enforcement agencies ng ibang bansa para masiguro ang kaayusan at kaligtasan ng mga OFWs.

Ayon naman kay Police Supt. Sermonia, maaaring magsilbing kinatawan ang isang Pinoy sa ibang bansa na ang adbokasiya ay upang i-promote ang turismo at makahikayat na mamuhunan sa bansa ang mga dayuhan.

Nagpapasalamat naman din ang mga kababayan natin sa proyekto ito ng PNP. Nagpahayag din sila ng pakikiisa sa isinusulong ng Global PCR upang matiyak ang seguridad ng mga Pilipino sa bansang Hong Kong.

 

( Ferdie Petalio / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,