Maaaring bumuo ng sariling sistema ng pederalismo ang Pilipinas naiiba sa ibang bansa ngunit naayon naman sa ating mga pangangailangan.
Ito ang naging pahayag ni Senate President Aquilino “Koko” Pimental III sa ikatlong Senate Centennial lecture kahapon tungkol sa pederalismo at ang pagiging angkop nito sa bansa.
Ayon sa kanya, marami nang problema ang bansa na hindi nareresolba sa ilalim ng unitary system of government.
Ayon sa senador, bagaman maraming modelo ng pederalismo ang maaaring gayahin ng Pilipinas katulad ng France na may parliamentary-presidential form of government, mas mainam pa rin kung gagawa tayo ng sariling modelo.
Sinang-ayunan ito ng executive director ng local government development foundation.
Sa forum, ibinahagi ni dating Sen. Aquilino “Nene” Pimentel ang kanyang panukala na hatiin ang bansa sa labin isang federal states.
Ang pagkakakilanlan ng mga estadong ito ay ibabase sa mga kasalukyan nang rehiyon sa Pilipinas.
Apat mangagaling sa Luzon, apat rin sa Visayas at tatlo sa Mindanao.
Ang Metro Manila, nais ni Pimentel na gawing Federal Administative Region
Kinlaro naman ni Pimentel na magkakaroon pa rin ng iisang konstitusyon, iisang Armed Forces of the Federal Republic, iisang central bank, monetary system, foreign policy at public education system.
Sang-ayon si Pimentel sa pagbabago ng saligang batas sa pamamagitan ng constitutional assembly.
Ngunit bago pa man ipasa ang federal system, dapat naiintidihan ng publiko ang mga magiging pagbabago sa bansa.
Ayon sa mag-amang Pimentel, maraming problema sa lipunan ang masosolusyunan ng pederalismo.
Sa sistema kasing ito naibabahagi ang political at economic powers ng central government at napalakas ang regional at local government.
(Joyce Balancio/UNTV Radio)
Tags: Federalism, Senate President Aquilino "Koko" Pimental III