Naglabas ng babala ang Food and Drug Administration(FDA) sa lahat na huwag bumili at gumamit ng mga Unnotified Medical Device Product.
Ginawa ang nasabing anunsyo dahil sa kumakalat na isang produkto na walang Product Notification Certifficate mula sa ahensya.
Batay sa ulat, ang produktong Klean by Luxeorganix Face Masks 3Ply Earloop Disposal ay hindi dumaan sa pagsusuri at hindi tiyak ang kalidad o kung ligtas itong gamitin.
Samantala, nakasaad sa “Republic Act No. 9711 o mas kilala sa Food and Drug Administration Act of 2009″na mahigpit na ipinagbabawal ang paggawa,pagbebenta,pag-aangkat at eksportasyon ng mga produktong walang pahintulot ng ahensya.
Kaalinsabay nito’y inabisuhan ang lahat ng concerned estabishment na huwag magbebenta o mamamahagi ng nasabing produkto hanggat walang issued Product Notification Certificate.
Inabisuhan naman ng DFA ang Bureau of Customs at lahat ng Law Enforcement Agencies(LEAs) at Local Government Units(LGUs) na tulungan ang ahensiya upang masiguro na hindi kakalat ang naturang produkto sa merkado.
(Kyle Nowel Ballad | La Verdad Correspondent)
Tags: FDA