FDA, naghahanda na sa clinical trials ng 6 COVID-19 vaccine candidates

by Erika Endraca | July 31, 2020 (Friday) | 2835

METRO MANILA – Anim na candidate COVID-19 vaccines ang posibleng isagawa ang clinical trials sa Pilipinas ayon kay Food and Drug Administration (FDA) Director General Eric Domingo.

Ito’y batay na rin aniya sa update ng Department Of Science and Technology (DOST) na katuwang ng FDA sa paghanap ng mga potensyal na lunas at bakuna sa COVID-19.

Hindi pa idinedetalye kung anu- ano ang naturang anim na canidate vaccines.

Pero bukod dito, ayon kay FDA Director General Secretary Eric Domingo naghahanda na ang Pilipinas sa pagsali rin sa Phase 3 clinical trials sa iba’t – ibang bansa.

“ Posibleng mag-aapply at magsasagawa ng Phase 3 clinical trials on candidate COVID-19 vaccines sa bansa. pinag-uusapan na rin ang pakikilahok ng Pilipinas sa gagawing solidarity vaccine trials ng World Health Organization.” ani FDA Director General Secretary Eric Domingo.

Lima sa 166 na COVID-19 candidate vaccines ang nasa Phase 3 clincal trials na.

Ito ay ang Sinovac, Sinopharm- Wuhan Institute of Biological Products, Sinopharm- Beijing Institute of Biological Products, Astrazeneca- University of Oxford at Moderna/ NIAD.

Ipinaliwang naman ng FDA na hindi sila ang gumagawa ng clinical trials nguni’t sila ang nagre- regulate nito bago magamit ng publiko

Nitong SONA, ipinahayag ni Pangulong Duterte na sa Setyembre ay may bakuna na para sa COVID-19.

Ipinaliwanag naman ng FDA kung gaano katagal ginagawa upang mabuo at mabigay sa tao ang isang bakuna.

“Ang pagtuklas, pagdevelop, at pananaliksik ng mga gamot at bakuna could take months to years, depende sa mga clinical trials na isasagawa. Kapag nagkaroon na ng strong scientific evidence from clinical trials at ang mga gamot o bakuna ay ligtas at epektibo para maging available sa merkado, puwedeng na silang mag-apply for approval sa FDA.” ani FDA Director General Secretary Eric Domingo.

Prayoridad naman aniya ngayon ng FDA ang pag- proseso at pag- review ng mga aplikasyon para sa mga posibleng lunas at gamot para sa pag-responde sa COVID-19 pandemic sa Pilipinas.

Samantala,iginiit ng FDA na wala pang aprubadong bakuna na pwedeng gamitin para sa COVID-19.

Ang lahat aniya ng candidate vaccines para sa COVID-19 ay isinasailalim pa lang sa phases ng clincal trial at pag- aaral ng mga eksperto

Ayon pa kay DG Domingo, kapag may nakitang nagbebenta nito online ay huwag tangkilikin at kaagad ipagbiggay alam at i- report sa FDA sa email na covidresponse@fda.gov.ph o sa ereport@fda.gov.ph

(Aiko Miguel | UNTV News)

Tags: ,