METRO MANILA – Nagpulong ang mga kawani ng Department of Health (DOH), Food And Drugs Administration (FDA) at iba pang pribadong sektor sa Philippine International Convention Center PICC sa Pasay City. Kaugnay ito sa pagdaraos ng 2019 National Consciousness Week Against Counterfeit Medicines.
Tinalakay dito ang ilang mekanismo at paraan kung paano masusugpo ang pagkalat ng mga counterfeit medicine o mga pekeng gamot. Ayon sa National Committee on Intellectual Property Rights, wala pang natutukoy na pagawaan ng mga pekeng gamot sa bansa ngayong taon.
Ang mga pekeng gamot na nasa Pilipinas ay galing sa ibang bansa. Ayon sa FDA, ang pagtangkilik sa mga pekeng gamot ay nagdudulot ng hindi magandang epekto sa kalusugan ng tao maging sa ekonomiya ng bansa.
Ayon pa FDA, marami sa counterfeit medicines ay ibinibenta online. Upang makasiguro na hindi peke ang gamot na binibili, payo ng FDA, bumili lang sa mga lehitimong distributor.
(Asher Cadapan Jr. | UNTV News)