FDA: Ferrous sulfate, pina-recall ng isang kumpanya ng gamot

by monaliza | March 24, 2015 (Tuesday) | 1482

edited-fda

Nagbabala ang Food and Drugs Administration (FDA) kaugnay sa pagbili ng ferrous sulfate na karaniwang ginagamit bilang panlaban sa nutritional anemia at loss of appetite.

Ayon sa FDA, ipinare-recall ng Dann’s Aid Laboratories Incorporated ang isang batch ng kanilang ferrous sulfate.

Kabilang sa ipinare-recall ng kumpanya ang La Rosa Vino de Quina 2 mg/ml solution na may lot number 130205. Ito ay may manufacturing date na February 2013 at expiration date na February 2015.

Ipinare-recall ng kumpanaya ang nasabing prudukto dahil nagtatagalay ito ng thiamine hydrochloride bilang active pharmaceutical ingredient sa halip na ferrous sulfate na siyang nakalagay sa kanilang Certificate of Products Registration (CPR).

Kaugnay nito, ipinag-utos na ng FDA sa distributors, retailers, hospitals, pharmacies, at clinics ang pagpapahinto sa distribusyon ng nasabing produkto.

Ipinahayag din ng FDA na maaaring makipag-ugnayan ang mga consumer sa Dann’s Aid Laboratories Inc. sa numerong (044) 292-1485 o sa FDA sainfo@fda.gov.ph para sa karagdagang impormasyon.