Patuloy sa pagtaas ang bilang ng mga sumusukong drug dependents kaugnay ng anti-drug campaign ng pamahalaan.
Sa latest report ng PNP, nasa mahigit 63 thousand na ang kusang loob na sumuko na mga drug dependent.
Ngunit sa ngayon kulang ang mga rehabilitation center para sa mga ito.
Mungkahi naman si Senator Cynthia Villar na ipasok sa mga farm school o turuang magtanim ang mga drug dependent.
Ayon kay Michael Caballes-isang agriculturist at presidente ng Allied Botanical Garden, sa pagsasaka at paghahalaman ay nae- exercise ang katawan ng isang drug dependents.
Nakakatulong rin ito na maging payapa ang kaisipan ng isang addict at maalis ang nararanasang depresyon.
Sinabi naman ni Senador Villar, may 500 million pesos na pondo ang Technical Education and Skills Development Authority o TESDA upang tustusan ang 45,000 na scholars agriculture-related courses
Nguni’t noong nakaraang taon ay nasa 4,000 lang ang napaglaanan ng scholarship
Kailangan lang ay aprubahan ng TESDA ang mga accreditation ng mga farm school sa bansa upang maisagawa ito.
Samantala kanina inilunsad sa Villar Farm School ang third training program para sa vegetable production na tatagal ng tatlong buwan.
Dito sasanayin ang nasa dalawan daang farmers sa iba’t-ibang paraan at uri ng pagtatanim.
Ayon kay Senador Villar makikipag dayalogo sya sa TESDA upang sa halip na sa rehabilitation centers ilagay ang mga drug dependents ay sanayin o turuan ang mga ito na makarecover sa loob ng farm school para na rin magkaroon ng marangal na hanapbuhay.
(Bryan De Paz / UNTV Correspondent)
Tags: drug victims, Farming at gardening, isang uri ng rehabilitasyon