Farm tourism, alternatibong paraan upang kumita ang mga magsasaka – Sen. Cynthia Villar

by Radyo La Verdad | March 7, 2017 (Tuesday) | 5772


Kulang sa kaalaman pagdating sa mga bagong pamamaraan, teknolohiya at business sense ang ilang magsasaka kaya hindi sila nakakasabay sa pagbabago ng panahon.

Ito ang dahilan kaya nagpupunta si Sen. Cynthia Villar sa iba’t-ibang lugar upang hikayatin ang mga ito na pag-aralan kung paano mai-aangat ang antas ng kanilang kabuhayan.

Aniya, suportado naman ng iba’ t-ibang ahensya ng pamahalaan ang mga programang kanilang isinusulong sa pamamagitan ng pamimigay ng mga makina sa mga kooperatiba o organisasyon upang magamit sa mga gawaing pang-agrikultura.

Plano rin ng senador na magpasa ng batas upang lalong matulungan ang mga nasa livestock at poultry industry.

Nais rin aniyang maging mahigpit ang pamahalaan sa mga kumpanyang ginagamit ang ilang kooperatiba upang makalitas sa pagbabayad ng buwis.

(UNTV News)

Tags: , , ,