Inaasahang lalago ang lokal na kalakalan ng Paoay, Ilocos Norte sa ginagawang pagsasaayos ng Nalasin, Sungadan, Langiden road kung saan mapapadali nito ang pagpapalitan ng mga produkto at kalakal ng mga residenteng naninirahan sa rehiyon.
Ayon sa presidente ng Mango Growers Association Alfredo Bacena, na mas maalwan nang maibabyahe ang kanilang mga produkto tulad ng mangga at gulay na noon ay hirap silang ipadala dahil kariton lamsng ang kanilang ginagamit sa pagdedeliver nito.
Samantala, lubos naman ang pasasalamat ng mga residente ng probinsya dahil ayon sa kanila, ito ay sa mas ikauunlad pa ng kanilang rehiyon at ng bawat residente dito.
(Ariel Lyn Aranas/Radyo La Verdad Student Reporter)
Tags: ilocos