False missile alert, iniimbestigahan na ng U.S. Federal Communication Commission

by Radyo La Verdad | January 15, 2018 (Monday) | 13948

Sinimulan na ng U.S. Federal Communications Commission ang full investigation sa maling emergency message na bumulabog sa bansang Hawaii noong Sabado.

Ang emergency alert ay nagtataglay ng warning kaugnay ng umano’y paparating na ballistic missile na tatama sa bansa.

Bukod sa text message, nai-anunsyo pa sa radyo at telebisyon ang maling mensahe na nagdulot ng panic at takot sa mga residente at mga turista.

Ang iba ay nag-iyakan, nagtakbuhan at kanya-kanyang hanap ng emergency shelter. Ang iba ay nagtatanong bakit hindi sinabi ng mas maaga. Ayon sa local media, umabot pa ng 38 minutes bago nakapaglabas ng correction ang Hawaii Emergency Management Agency na walang actual na banta sa bansa.

Sa isang press conference, kinumpirma ni Hawaii Governor Davdi Ige na ang mensahe ay naipadala nang aksidenteng mapindot ng isang empleyado ng Hawaii Emergency Management Agency ang missile alert button sa oras ng employee shift.

Humingi ng paumanhin ang gobernador sa publiko kasabay nang pag-ako naman ng responsibilidad sa insidente ni EMA Administrator Vern Miyagi at sinabing pananagutan niya ang nangyari dahil empleyado niya ang may kagagawan.

Agad namang ipinag-utos ng ahensya ang pagpapalit ng kanilang procedure kung saan dalawang empleyado na ang magpapadala ng missile emegency alert sa hinaharap upang mas maging beripikado.

 

( Rj Alabazo / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,