Faeldon at iba pang dating Customs officials, inabswelto ng DOJ sa shabu smuggling case

by Radyo La Verdad | November 23, 2017 (Thursday) | 3168

Inabswelto ng Department of Justice sina dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon, dating Customs Intelligence Chief Niel Estrella at iba pang mga dating opisyal ng Bureau of Customs sa 6-billion peso shabu smuggling case.

Dinismiss ng DOJ panel ang reklamong isinampa sa kanila dahil sa kabiguan ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA na linawin kung ano ang nagawang paglabag ng mga dating Customs officials.

Dinismiss din ng DOJ ang reklamo laban sa mga tauhan ng National Bureau of Investigation na inakusahan din ng PDEA.

Samantala, kinasuhan ng DOJ sa Valenzuela City Regional Trial Court ang negosyanteng si Richard Tan na sinasabing nagpasok ng shipment ng droga, Kenneth Dong, Customs broker na sina Mark Taguba at Teejay Marcellana at limang iba pa dahil sa importation ng iligal na droga.

Walang inirekomendang pyansa para sa mga kinasuhan.

Tags: , ,